Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

National News

Nagsumite ang MPIC ng proposal na hindi inaasahang para sa Interconnected line ng MRT-3 at LRT-1.

MPIC, naghain ng unsolicited proposal para sa Interconnected line ng MRT-3 at LRT-1
Nagsumite ng unsolicited proposal ang Conglomerate Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) upang pagsamahin at pagkonektahin ang ruta ng dalawang major commuter rail system na Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT-1). Ito ay ayon sa panayam kay MRT-3 at MPIC Project Head, Juan Alfonso at MPIC non-executive director and former president and CEO, Jose Ma. Lim.
Kabilang na sa MPIC proposal ang plano nilang mag-invest ng P50 Billion para rito at ang pag-upgrade ng mga train assets at muling pagsumite sa Public-Private Partnership (PPP) Center para sa pag-apruba. Sinusuportahan din ng MPIC ang LRT-1 Cavite Extension, na umaabot ng 6.2 km mula Baclaran hanggang Dr. Santos Station, Parañaque na magbubukas sa katapusan ng taon at ang pagdaragdag ng higit pang mga istasyon sa 2031.
Kinokonsidera din ng MPIC ang pakikipagtulungan sa San Miguel Corp. (SMC) para sa mga operasyon ng MRT-3 at MRT-7 habang ang kasalukuyang kontrata ng gobyerno sa Sobrepeña-led Metro Rail Transit Corp. ay malapit nang matapos sa 2025.
Photo Credit: Philippine Star

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET