Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

Editorial

WALANG KULAY ANG BALIMBING

Napakaraming mukha ng pulitika sa Pilipinas at kadalasang naglalabasan ang kulay na kaakibat ng kanilang tunay na prinsipyo tuwing halalan. Gamit na gamit ang terminong “balimbing” sa mga ganitong klase ng pulitiko, at lumang tugtugin na sa tenga ng lipunan dahil tila normal na lang ang ganitong klaseng raket ng mga nasa itaas ng tatsulok.
Kaakibat ng kasaysayan ng Perlas ng Silangan ang mga taong “balimbing.” Saad ng kilalang historyador na si Ambeth Ocampo, maituturing na perpektong halimbawa ang punong ministro ng Unang Republika ng Pilipinas si Pedro Paterno nang panigan niya ang mga Amerikano noong Spanish-American War.
Maging ilan sa mga tumakbo sa pagka-pangulo ay naki-balimbingan din sa iba’t-ibang partidong pulitikal. Ilan sa mga matunog na may kasaysayang ganito ay ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. nang lumipat siya sa Nacionalista Party o NP matapos kalabanin ng re-electionist na si Diosdado Macapagal noong 1965.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng paglala ng sistemang ito ay ang pamamayagpag ng sistema ng padrino. Sa pahayag ng political analyst na si Alicor Panao, mataas daw ang tingin ng mga Pinoy sa pangulo, kaya naman todo dikit sa mga sikat at maimpluwensyang partidong kinabibilangan ng kasalukuyang tumatakbong pangulo, ang mga pulitikong gustong manalo at maupo sa mga pwesto.
Bagaman, walang batas na nagbabawal sa pagpapalipat-lipat ng partido, hindi nangangahulugang dapat na abusuhin ang kalayaang ito. Ang mga partidong kinabibilangan nila ay hindi lamang dapat nakikita sa pangalan kung ‘di nakapaloob sa tunay na prinsipyong pinanghahawakan nilang may responsibilidad na pagsilbihan ang mamamayan.
May mga panukalang batas ng isinusulong noon pa upang maalis ang balimbingan sa pulitika, ngunit hindi sapat na umaasa lamang sa pagpapatupad nito. Ang pangunahing katuwang ng malaya at malinis na halalan ay walang iba kung ‘di ang mga mamamayang edukado laban sa katiwalian, at mulat sa kulay na kayang ipamukha ng mga balimbing.
Kaya ikaw, ano ba talaga ang kulay mo? Nakapanig ba ito sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang kandidato? Para sa sariling kapakanan mo? O baka naman nakalinya ang kulay mo para sa masang Pilipino?

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET