Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

Local News

59IB PH army nakasagupa ang NPA sa bayan ng tuy, batangas

Nakasagupa ng mga kasundaluhan ng 59th Infrantry “Protector” Battalion ang siyam na armadong miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Boblok Tuy, Batangas ng bandang alas 6:00 ng umaga kahapon, June 23, 2024, na lubhang ikinatakot ng mga residente dahil sa sunod-sunod na palitan ng putok ng baril ng mga NPA at kasundaluhan.
Ayon kay Gen. Cerilo Jr., ang Commander ng 202nd Infantry Brigade, ang engkwentro ay nagsimula sa pagpapatrolya ng kasundaluhan, matapos na makatanggap ng tip mula sa mga residente sa presensya ng mga NPA sa naturang lugar at reklamo hingil sa pangingikil ng supply ng mga pagkain sa kanilang komunidad.
Batay sa ulat, tatlong hindi pa nakikilalang miyembro ng grupong teroristang NPA ang kumpirmadong nasawi at narekober mula sa mga ito ang iba’t-ibang kagamitang pandigma at wala namang naiulat na nadamay na sibilyan at walang sugatan sa hanay ng mga kasundaluhan.
Sa kasalukuyan, patuloy na tinutugis ang mga teroristang nakatakas at sa pamumuno ni Mayor Jose Cerrado kasama ng mga kasundaluhan at kapulisan, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Tuy sa mga apektadong pamilya na lumikas dahil sa naganap na engkwentro.
Photos: FB/59th Infantry “Protector” Battalion Philippine Army & Municipality of Tuy

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

Business

𝐍𝐎 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑? 𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐔𝐑𝐀𝐍𝐓 Ibinibida ngayon ang isang Solar Powered Restaurant sa Calaca City, Batangas kung saan hindi problema ang...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET