Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

National News

PBBM, bumisita sa mga sundalong sugatan sa WPS

Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Puerto Princesa, Palawan ang mga sundalong sugatan matapos ang rotation and resupply (RORE) mission noong June 17 sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Nasa 80 sundalong bahagi ng RORE mission ang nakatanggap ng parangal mula sa Pangulo, kabilang na ang sugatang navy personnel na si Seaman First Class Jeffrey Facundo na matatandaang naputulan ng daliri matapos ang karahasang ginawa ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas.
Ginawaran si Facundo ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan, isang parangal na iginagawad sa mga kawani ng pamahalaang nasugatan sa gitna ng kanilang serbisyo sa bayan.
Tiniyak naman ng Pangulo na patuloy na makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang pamilya ng mga nasabing sundalo.
Photo: PPA Pool

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET