Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

Local News

batangas SWAT team, iimbestigahan

BATANGAS SWAT TEAM NA NAGSILBING PRIVATE ESCORT, IIMBESTIGAHAN
Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umano’y deployment ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team mula Batangas para sa isang event ng pribadong kompanya sa Pasig City.
Ayon kay DILG Philippines Secretary Benjamin Abalos, aasahan nito ang ulat mula sa PNP sa madaling panahon matapos niyang ilabas ang direktibang imbestigahan ang nasabing insidente.
Ani Abalos, namataan ang unipormadong Batangas SWAT team na dala ang kanilang mga baril sa soft launching ng isang networking company sa Pasig City kamakailan.
Iginiit ni Abalos na hindi palalagpasin ng ahensiya ang ganitong insidente na kung saan ang mga active personnel ay aatasan bilang private escorts para sa pansarili at pribadong interes.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

Business

𝐍𝐎 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑? 𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐔𝐑𝐀𝐍𝐓 Ibinibida ngayon ang isang Solar Powered Restaurant sa Calaca City, Batangas kung saan hindi problema ang...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET