Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

National News

AFP nabahala sa carrier strike group

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP
Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group ng People’s Liberation Army (PLA) ng China sa karagatan ng Pilipinas.
Iginiit ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Margareth Padilla na mahalagang mapanatili ang kapayapaan sa teritoryo ng bansa, at hinimok ang lahat ng partido na sundin ang international laws, lalo na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa inilabas na ulat ng ahensiya, nagsasagawa umano ng joint military exercise ang China at Russia sa karagatang sakop ng Pilipinas, kung saan, ito ang unang beses na lumabas ng South China Sea ang naturang Chinese carrier.
Bagaman ang joint military exercise ng China at Russia ay isang taunang aktibidad na nagsimula noong 2021, tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Romero Brawner na mahigpit nilang mino-monitor ang nasabing aktibidad sa pagitan ng dalawang bansa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

Business

𝐍𝐎 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑? 𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐔𝐑𝐀𝐍𝐓 Ibinibida ngayon ang isang Solar Powered Restaurant sa Calaca City, Batangas kung saan hindi problema ang...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET