Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

National News

p20 million budget sa SONA 2024

P20 MILLION BUDGET SA SONA 2024, IPINALIWANAG NG KAMARA
Ipinahayag ni House of Representatives of the Philippines Secretary General Reginald Velasco nitong Miyerkules, Hulyo 10, na nakalaan ang P20-million budget ng 2024 State of Nation Address (SONA) sa pagkain, renovation, at materyales na kakailanganin sa gaganaping SONA ng pangulo.
“The amount of P20 million I referred to represents the total budget earmarked for the preparations and execution of the SONA. This figure is an estimate and has not yet been fully expended. The budget covers a range of essential expenses to ensure the event’s success, beginning from March 12, 2024, when the SONA Task Force was created,” paliwanag ni Velasco.
Dagdag pa ni Velasco, ilan sa mga ito rin ang kabilang sa budget ng 2024 SONA:
– Pagkain at inumin para sa lahat ng involved personnel, kabiang na ang internal staff, at external gaya ng pulis, mga opisyal ng MMDA, support staff, at gastusin sa pagkain mula sa paghahanda, hanggang sa mismong araw ng SONA.
– Tatlong set ng uniporme para sa tinatayang 2,000 empleyado ng Secretariat na gagamitin sa SONA at sa regular na trabaho nito;
– Security expenses sa mga tauhan at kagamitan upang matiyak ang seguridad ng SONA.
– Inter-agency meetings sa lahat ng ahensiyang nag-aasikaso ng SONA.
– Imbitasyon at mga giveaways at printing costs nito.
– Pagrerenta ng kagamitan gaya ng LED para sa audiovisual presentation sa plenaryo.
– Bulaklak at halaman na gagamiting dekorasyon.
– At iba pang gastusing may kinalaman sa overall communication, at dagdag na medical support para sa mga kalapit na ospital.
Saad ni Velasco, kada pisong nakalaan daw sa budget para sa SONA ay pinag-aralang maigi upang masiguro ang sentimyento ng publiko ukol sa paggasta ng buwis na galing sa mamamayan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET