Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

National News

QCPD binalaan ang SONA Protesters

QCPD BINALAAN ANG SONA PROTESTERS SA PAGSUNOG NG MGA EFFIGY

Hindi umano magdadalawang-isip ang Quezon City Police District (QCPD) na arestuhin ang mga magpoprotesta na magsusunog ng mga effigy sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos sa Hulyo 22, ayon sa isang opisyal ng QCPD kahapon.
Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan, ilegal ang pagsusunog ng mga effigy sa ilalim ng Batas Pambansa 880 o ang Public Assembly Act.
Naging tradisyon na ng mga militanteng grupo ang pagsusunog ng mga effigy tuwing SONA.
Ayon kay BAYAN – Bagong Alyansang Makabayan president Renato Reyes, naghahanda na sila ng protest effigy na sumisimbolo sa away nina Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil “sila ay naglalaban para sa kapangyarihan at impluwensya habang ang bansa ay lugmok sa kahirapan.”
sa 22,000 na pulis ang inaasahang magbabantay sa SONA kung saan 6,000 mula rito ang ipadadala sa Batasang Pambansa complex kung saan gaganapin ni Marcos ang kanyang SONA.
PHOTO: ALECS ONGCAL/RAPPLER

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Entertainment

Over the past two decades, Cinemalaya, a non-government foundation, has notably raised the flag for Philippine independent film by helping and supporting the production...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET