Connect with us

Hi, what are you looking for?

batangas

Local News

serbisyo fair para sa Tanauan city

SERBISYO FAIR KASALUKUYANG ISINASAGAWA PARA SA MGA BATANGUEÑONG MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Isinasagawa ngayong araw sa San Jose, Batangas, ang Serbisyo Fair o pamamahagi ng ayuda sa mga mangingisda at magsasaka mula Ikatlong Distrito ng lalawigan ng Batangas, kabilang na ang Lungsod ng Tanauan.

Ito ay hatid at pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang iba’t ibang kinatawan ng mga distrito sa Batangas at mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development – DSWD, DTI Philippines, TESDA, Department of Agriculture – Philippines, Philippine Coconut Industry at iba pa.
Kaugnay ito ng press briefing kung saan inanunsyo ni Task Force El Niño spokesperson at Presidential Communications Office Assistant Secretary for Radio, Jose Maria Villarama II, na maghahatid ang Pangulo ng tulong pinansyal na P10,000 kasama na ang farming and aquafisheries inputs and equipments para sa bawat isang magsasaka at mangingisda mula sa CALABARZON.
Layon ng programa na mabigyan ng tulong sa kanilang pangunahing pangangailangan at upang makapagsimula muli ang mga manggagawang nawalan ng kabuhayan, pinagkukunan ng kita, at maging pagkain para sa kanilang mga pamilya dulot ng El Niño.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Umani ng nakatutuwang reaksyon sa social media ang pagsubok ni Marian Rivera na isalin ang kanyang tanong sa Ingles para sa isa sa mga...

National News

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Hulyo 10 na posibleng umabot sa P25 billion hanggang P27 billion ang total estimated...

National News

PAGLABAS NG CHINESE CARRIER STRIKE GROUP, IKINABAHALA NG AFP Ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y pagpapadala ng Shandong Carrier strike group...

Business

𝐍𝐎 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑? 𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐋𝐀𝐑 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐀𝐔𝐑𝐀𝐍𝐓 Ibinibida ngayon ang isang Solar Powered Restaurant sa Calaca City, Batangas kung saan hindi problema ang...

Copyright © 2023 BATANGAS.NET